top of page

Gamit ng teknolohiya sa pagtugon sa misyon ng Civil-Military Operations


Ang makabagong teknolohiya ay patuloy na bumabago sa takbo at anyo ng mundo. Kabilang sa magandang naging bunga nito ay ang patuloy na pag-lago ng ekonomiya at pagangat ng pamumuhay ng tao. Ginagamit din ito ng ibat-ibang sector ng ating lipunan upang gampanan ang kanilang tungkulin at magandang layunin sa bayan, katulad ng ating mga kasundaluhan.

Gamit ang mga makabagong teknolohiya ng komunikasyon tulad ng telebisyon, social media, print media, at radio broadcasting system ay kaagad na naipaparating sa publiko ng ating kasundaluhan, ang magandang mithiin ng ating gobyerno sa pamamagitan ng mga kongkretong programa at proyekto nanaglalayong paangatin at palaguin ang antas ng pamumuhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Dahil dito, ang Hukbong Katihan ng Pilipinas ay bumuo ng isang konsepto na maigting na tumututok at nagpapanatili sa magandang ugnayan sa pagitan ng kasundaluhan at mga sibilyan. Ito ay ang Civil-Military Operations o CMO. Sinisikap ng CMO ang patuloy na pagtulong sa sambayanang Pilipino sa pamamagitan ng paghahatid ng iba’t-ibang uri ng serbisyo na naangkop sa lugar, pangyayari at pamayanan. Upang lalong mapalawig at matutukan ang ugnayang sibiliyan-militar, binuo ang Civil-Military Operations Regiment o CMOR.

Ang CMOR ang unit ng hukbong katihan na nangunguna sa pagsasagawa ng ibat-ibang proyekto ng CMO sa buong bansa. Maliban dito ang CMOR ay patuloy din sa pagbuo ng ibat-ibang konsepto at pamamaraan upang palakasin at palawakin ang samahan at pagtutulungan ng iba’t-ibang samahang sibilyan tungo sa iisang layunin. Kaakibat ng CMOR ang Civil-Military Operation School na may layuning magturo, maghasa at magpalago sa kapasidad at kakayahan ng mag sundalo, Opisyal man o Enlisted sa pagiging isang propesyonal na CMO operator.

Ang CMO ay binubuo ng tatlong pillars na kumikilos patungo sa pagkamit ng iisang misyon. Ito ang Civil Affairs, Information Support Affairs at Public Affairs. Ang Information Support Affairs ay may layuning baguhin ang maling pananaw ng kalaban na nag-uugat sa maling persepsyon at paniniwala. Ang Civil Affairs ang nangunguna upang makipagugnayan sa mga ahensya ng ating gobyerno at maiparating sa kinauukulan ang mga pangunahing problema at pangangailangan ng mamamayan. Ang Public Affairs naman ang nangunguna sa pagsisiwalat at paglalahad ng tama at napapanahong impormasyon upang maiparating sa taong bayan ang mga kaganapan na mayroong kinalaman sa seguridad at pamumuhay ng mga mamamayan.

Malaki ang papel na gagampanan nating mga kasundaluhan upang matugunan ang mag pangunahing pangangailangan at problema ng ilan nating mga kababayan na maaring maging sanhi ng kanilang pagkakahikayat na sumapi sa mga grupong naghahangad ng kaguluhan. Dahil din sa mga isyung panlipunang ito, ang ilan sa ating mamamayan ay maaaring makaramdam ng kapabayaan na pwedeng magdulot sa pag-aklas laban sa ating pamahalaan o di kaya ay ang pagsuporta sa maling adhikain ng mga rebeldeng grupo.

Malaki ang maitutulong nating mga kasundaluhan bilang tagataguyod ng kapayapaan. Gamit ang makabagong teknolohiya, maaari nating baguhin ang mga negatibong pananaw ng ating mga kababayan na patuloy na nilalason ang isipan nang mapanlinlang na idolohiya at propaganda ng mga kalaban.

Isa na rito ay ang paggamit natin sa teknolohiya ng komunikasyon. Sa pamamgitan ng Radio Broadcasting System, ating maipapahayag at maipapaalam sa taong bayan ang mga naangkop na programa ng ating gobyerno na siyang tutugon sa kanilang hinaing at mga problema.

Gamit naman ang social media, na siyang pinakapopular na ginagamit ng karamihan, maari natin ipaabot ang tamang impormasyon na makakatulong sa mga mamamayanan lalo sa panahon ng naka-ambang sakuna o kalamidad.

Ang maganda, moderno at nangungunang teknolohiya ay malaking tulong upang maiparating sa mga tao ang ating magandang mithiin at misyon.

Kapag nagawa natin ito, hindi malayong mahikayat at mabago natin ang maling pananaw ng ilan sa ating mga kababayan patungo sa pakikipagtulungan at pagsuporta sa mga proyekto ng ating gobyerno na naglalayong makamit ang kapayapaan at kaunlaran.

Pagkakisa ang susi sa lahat ng ito, para makamit natin ang misyon ng CMO. Ang manalo sa puso ng sambayanang pilipino tungo sa tunay na pagbabago.

Featured Posts
Recent Posts
Archive
Search By Tags
No tags yet.
Follow Us
  • Facebook Basic Square
  • Twitter Basic Square
  • Google+ Basic Square
bottom of page